ANG PAGHIHIRAP NG MGA SANTONG MARTIR: FRUTTUOSO – OBISPO, AUGURIO AT EULOGIO – MGA DIYAKONO, PINATAY SA TARRAGONA NUONG IKA – 21 NG ENERO, SA ILALIM NG IMPERYO NINA VALERIANO AT GALLIENO.
Noong panahon ng konsulado nina Emilio at Basso, linggo ng ika – 16 ng Enero sina Fruttuoso at Eulogio ay dinakip. Samantalang si Fruttuoso ay nagpapahinga sa kanya kwarto ang mga opisyal ng pretorio ay pumasok sa kanyang bahay, sina Aurelio, Festuzio Elio Polenzio , narinig niya ang kanilang mga yabag at agad niyang hinarap ang mga ito, bagaman suot lamang niya ang kanyang sandalyas.
Sabi sa kanya ng kawal: lumapit ka, tawag ka ng gobernador ganuon din ang iyong mga diyakono.
Sumagot kanya Si Fruttuoso: Tayo na, ngunit hayaan mo munang isuot ko sa aking mga paa ang aking mga sapatos
Sumagot sa kanya ang kawal: isuot mo kung iyong nais.
Agad silang ibinilanggo nuong narating nila ang pook. Masayang tinanggap ni Fruttuoso ang krus na ipinatong sa kanya ng Panginoon, at walng humpay niya itong pinsalamatan sa kangyang panalangin. Hindi siya pinabayaan ng kanyang mga kapatid, binigyan siya ng makakain at hiniling ng mga ito na huwag silang kaligtaan sa kaniyang isipan.
Nang mga sumunod na araw si Rogaziano, isa sa kanilang mga kapatid, ay nagpabinyag sa bilangguan. Araw ng biyernes, ika -21 ng Enero nang muli silang iniharap sa governador
Sabi ng Gobernador: hayaan ninyong makadaan ang mga bilanggo.
Sagot ng mga opisyal: narito sila.
Nakipag-usap ang gobernador kay Fruttuoso: Alam mo na kung ano ang nais kung mangyari.
Sumagot si Fruttuoso: hindi ko binigyan ng pansin ang mga sinasabi nila , ako ay binyagan.
Ang gobernador ay nagwika: sinabi sa inyong sambahin ang mga diyus-diyosan.
Ngunit pinagtibay ni Fruttuoso: Tanging ang Diyos lamang ang aking sasambahin , ang Siyang lumikha ng langit at lupa, ng dagat at lahat ng bagay na umiiral sa daigdig.
Ipinagpilitan ni Emilio: samakatwid hindi mo nalalaman kung paano sila umiral. Hindi kumibo si Fruttuoso at ito ay napansin ni Emiliano. “Malalaman mo agad Fruttuoso” wika ni Emiliano. Sa katahimikan ni Fruttuoso ay nagsimulang siyang manalangin sa Panginoon . Bulalas ni gobernador Emiliano.”Ito ang kangyang mga napansin, ito ang kanyang mga kinatatakutan, ito ang kanyang sinasamba sa katunayan, sa halip na sambahin ang diyos at ang bantayog ng emperador!”
Tinuntun naman ng gobernador si Augurio, “Huwag mong pansinin ang sinabi ni Fruttuoso” wika ni Emiliano. Ngunit ang sabi naman ni Augurio ay “Sinasamba ko ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.”
At kinausap naman ng gobernador si Eulogio: “Marahil sinasamba mo naman si Fruttuoso?” Sagot ni Eulogio ay “Hindi, hindi ko sinasamba si Fruttuoso, kundi sinasamba ko din ang kanyang sinasamba.”
At muling hinarap naman ng gobernador si Fruttuoso. “Ikaw ay isang Obispo, hindi ba?” tanong ng Emiliano. “Ako nga” wika ni Fruttuoso.
Hinusgahan siya ni Emiliano. “Ikaw nga” wika ni Emiliano. At siya ay hinatulang mamatay sa pamamagitan ng pagsunog sa kanya ng buhay.
3. Habang sina Fruttuoso at ang kanyang mga diyakono ay hinahatid sa ampiteatro, ang mga tao’y nagsimulang umiyak para sa obispo, dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa kanila, hindi lamang para sa kanyang mga kapatid, ngunit ganuon ding pagmamahal niya para sa mga pagano. Si Fruttuoso ay naging imahen ng obispong inilarawan ng Banal na Espiritu sa mga salita ng banal apostol Paul , ang taong hinirang , at doktor ng mga bansa. Maging ang mga sundalo ay nakonsyensiya at namangha sa kaluwalhatian ng Diyos at ang pangyayaring iyong ay nagpalakas sa kanila imbis na sila ay malungkot. At habang ang sila ay nagmungkahing pomusisyon, sinabi nila:
“Hindi pa ito ang oras” – ang sabi – upang gambalain ang pagdiriwang ng ayuno. Naganap ang mga bagay na ito sa pagitan ng ikasampu at ikalabing isa ng umaga. Bago mag Miyerkules, sa kabila ng kanilang pagkakulong, natapos ang mataimtim na pagdiriwang, sila ay bilanggo, ngunit maligaya sapagkat alam nila na malapit na ang kanilang pakikipagkaisa sa Diyos na umibig sa kanila ng lubos kasama ang mga banal na martir at mga propeta, ang istasyon ay nagsimula mula rito sa araw ng Biyernes. Dumating sila sa ampiteatro, at dahan dahan lumapit si Augusto ang kangyang tagabasa, umiiyak at nagdarasal upang alisin ang kanyang sapatos. At ang banal na martir, sigurado at tiyak sa pangako sa kanya ng Panginoon, ay sumagot sa kanila ng ganito: “Anak, hayaan mo na at parehas din ang nakayapak.” Minsan syang nakayapak, isang sundalo ang lumapit sa kanya, ang pangalan nito ay Felice, at humawak sa kanyang kanang kamay na nagwikang huwag siyang kalimutan sa kanyang isipan. Isang malakas na tinig ang kanyang binitawan ng sa gayon ito ay mapakinggan ng lahat mga tao: “aking alalahanin sa aking isipan ang Simbahang Katolika, mula silangan hanggan kanluran.
4. Mula sa pintuan ng ampiteatro, sila ay nasa punto na ng pagsindi ng koronang apoy na magpapahirap sa kanila, sa presensya ng mga namumuno sa mga sundalo, nang sa gayon maramdaman ito ng kanilang mga kapatid, si Fruttuoso, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagsalita sa kanila: “kahit mawalan kayo ng isang pastol, ni sino man sa inyo ay di bibiguin ng Panginoon ayon sa kanyang pangako: ngayon ay inyong matutughayan na ang kaganapang ito ay hindi isang simpleng kahinaan.”
Habang inaaliw niya ang kanyang mga kapatid, sila ay pumasok patungo sa kaligtasan, maligaya sa kanilang paghihirapr , ang bunga ng pangako ng Banal na Kasulatan. Kagaya ng nangyari kina Ananias, Azarias at Misael, sila ay kumikinang sa presensya ng kabanalbanalang Santatlo habang sila ay sinusunog, ang Ama ay nasa kanilang presensya, ang Anak ay nagpapahupa ng kanilang paghihirap at samantalang ang binabalutan naman sila ng makapangyarihang apoy ng Banal na Espiritu. Nang masunog na ang pagkakatali sa kamay ni Fruttuso, sa kanyang palagiang ginagawang pagpapuri sa Diyos, siya ay lumuhod sa lupa, may paniniwala sa muling pagkabuhay, nanalangin nakabayubay ang kanyang mga bisig sa Diyos tulad ng maluwalhating pagkapako kay Kristo sa Krus.
5. Pagkatapos nuon hindi nagkulang na ipakita ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian: binuksan niya ang langit, ang Babilonya at ang Migdonyo, ang kanyang mga kapatid na naglilingkod sa gobernador, ipinakita niya sa kanyang anak na babae, at sa kanyang asawa, kung paano si Fruttuoso at ang kanyang mga kasamang Diyakono, pinutungan ng korona, at inakyat patungo sa kalangitan, habang ang posteng kanilang pinagkakatalian ay nanatili pa rin nakatayo. Datapuwa´t si Emiliano ay inanyayahan na lumahok upang malasin ang kaganapan ay hindi nagbigay ng pagpapahalaga, sinabi ng mga utusan: “luimapit kayo at pagmasdan ninyo ang inyong kinondena sa araw na ito, ipinakita sa inyong harapan ang kanilang pagtungo sa kalangitan.”
6. Ang mga kapatid ni Fruttuoso ay nalilito sapagkat wala na ang kanilang pastol, sila ay nalulungkot hindi dahil sa umiyak si Fruttuoso, kundi dahil sa hindi na nila muling siyang makikita. At dahil sa kanilang pananampalataya at sa kanyang pagsubok, habang gumagabi sila ay dali-daling tungo sa ampiteatro dala-dala ang alak upang patayin ang apoy na patuloy na sumusunog sa katawan ng mga martir.
Pagkatapos niyon, bawat isa sa kanila ay umipon ng mga abo na maari nilang makuha. Nang sa gayon ang mga abong ito ang magpapaalaala sa kanila sa kamanghan-manghang ginawa ng Panginoon at Tagapaglitas upang patatagin ang kanilang pananampalataya at magsilbing halimbawa para sa mga mahihina. Lahat ng ito, dahil sa awa ng Diyos, sa turo ni Fruttuoso habang siya ay nabubuhay pa, na ang pangako ng ating Panginoon at Tagapagligtas ay pinagtibay ni Fruttuoso sa pamamagitan ng kanyang paghihirap sa kamay ng mga pumaslang sa kanya at para sa pananampalatayang mayroon pagkabuhay na maguli. Samakatwid, matapos ang kanyang pagsasakripisyo, ipinakita niya sa kanyang mga kapatid at ipinahayag sa kanila na ibabalik sa kanila ang kanilang iniibig mula sa abo.
7. Si Fruttuoso at ang kanyang mga diyakono ay nagpakita kay Emiliano, na syang humatol sa kanila, suot-suot nila ang damit ng pangako ng diyos upang ipakilla at ipakita sa kanya na wala sinuman ang maaaring magtago ng katawan at maglibing magpakailanman at ito ngayon ay kinikilalang isang tagumpay.
O mga banal na martir, sinubok sa apoy gaya ng mahalagang ginto, gabayan ninyo kami sa pamagigitan ng baluti ng inyong pananampalataya at ng elmo ng kaligtasan, at ng koronang di kumukupas, na syang dumurog sa ulo ng mga masasama. O kabanal banalang martir, na mayroong karapatan sa maluwalhating kaharian sa langit sa kanan ni Kristo, sa ikakaluwalhati ng Amang makangpayrihan sa lahat at ni Hesukristo, na kanyang anak at ng Banal na Espiritu. Amen.